Tiklo ang tinaguriang Top 5 City High Value Drug Personality sa isang magkasanib na buy-bust operation na isinagawa ng RPDEU 11 at CDEU noong ika-28 ng Nobyembre 2024, sa Zamora Street, Purok 6, Barangay 32-D, Davao City.
Ayon kay Police Major Maynard D. Pascual, Chief ng RPDEU 11, ang suspek ay nakilalang si alyas “Helario,” 41 taong gulang, at residente ng Barangay 4-A, Ponciano Reyes Street, Davao City.
Nakuha ang tinatayang 12.6 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php85,680, kasama ang buy-bust money at isang cellphone.
Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Sa pamamagitan ng mga ganitong operasyon, layunin ng Police Regional Office 11 na masugpo ang mga malalaking sindikato ng droga at mapigilan ang pagkalat nito sa komunidad, na nagiging sanhi ng iba pang uri ng krimen.
Panulat ni Pat Shairra Rose A Aquino