Arestado ang isang Top 5 City Most Wanted Person na may kasong 5 Counts of Qualified Rape sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad sa Mangagoy Picop, Bislig City, Surigao Del Sur nito lamang Hunyo 17, 2024.
Kinilala ni Police Brigadier General Augustus P Placer, Regional Director ng Police Regional Office 12, ang nahuling suspek na si alyas “Vin”, 40 anyos, may asawa, mangingisda at residente ng Zone 4. Purok Saeg, Barangay Calumpang, General Santos City.
Bandang 9:00 ng gabi nang puntahan ng mga tauhan ng General Santos City Police Station 10 at PNP Maritime Group 12 ang tinutuluyang bahay ng suspek upang isilbi ang Warrant of Arrest para sa kasong 5 Counts of Qualified Rape na walang inirekomendang piyansa.
Sa Bagong Pilipinas, layunin ng PNP na panagutin sa batas ang taong may sala upang mabigyan ng hustisya ang mga biktima at mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa ating komunidad.
Panulat ni Patrolwoman Flora Mae Asarez