Himas rehas ngayon ang 49 anyos na Top 5 Most Wanted Person sa City Level sa kasong Statutory Rape (4 Counts) matapos madakip ng mga tauhan ng Iligan City Police Station 5 sa isinagawang Simultaneous Manhunt Charlie Operation o SIMACHO sa Barangay Poblacion, Iligan City nito lamang Marso 22, 2024.
Kinilala ni Police Major Felix N Rabago Jr., Station Commander ng Iligan CPS 5, ang naaresto na si alyas “Roland”, 49 anyos at residente ng Barangay Pala-o, Iligan City.
Naaresto ang suspek ng Tracker Team ng Iligan CPS 5 kasama ang Women and Children Protection Desk ng istasyon sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Statutory Rape (4 counts) na walang piyansa.
Hindi naman titigil ang Iligan City PNP sa pagsasagawa ng mga operasyon para hulihin ang mga Wanted Persons na may pananagutan sa batas upang makamit at mapanatili ang mapayapa at maayos na komunidad na kanilang nasasakupan tungo sa Bagong Pilipinas.
Panulat ni Pat Fajardo