Napasakamay ng mga miyembro ng City Mobile Force Company (CMFC) ng Cebu City Police Office (CPPO) ang tinaguriang Top 4 Most Wanted Person ng Central Visayas sa kasong Murder kasunod ng operasyon na inilunsad sa Gil Tudtud Street, Brgy. Mabolo, Cebu City, nitong Huwebes, Setyembre 21, 2023.
Kinilala ni Police Colonel Ireneo Dalogdog, City Director ng Cebu City Police Office, ang naaresto na si “Randy”, 30, residente ng Sitio Sto. Niño Kintanar, Brgy. Cogon Pardo ng naturang lungsod.
Ayon kay PCol Dalogdog, alas-2:30 ng madaling araw ng arestuhin ng mga awtoridad ang akusado sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Murder na walang rekomendadong piyansa.
Ang matagumpay na operasyon ng pulisya ay bunga ng mahusay at tuloy-tuloy na intelligence operation, surveillance, partisipasyon, at koordinasyon ng komunidad sa mga awtoridad.