Arestado ang tinaguriang Top 4 Regional Most Wanted Person sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Rape na inihain ng mga awtoridad sa Ubalde, Davao City nito lamang Abril 6, 2025.
Kinilala ni Police Major Al Anthony Human, Officer-In-Charge ng Mati City Police Station, ang suspek na si alyas “Sanrey”, 30 anyos, residente ng Barangay Binakayan Aplaya, Kawit, Cavite.
Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong Rape na walang piyansang inirekomenda.
Ang pagkakadakip ng wanted person na ito ay hindi lamang isang simpleng operasyon ng kapulisan, kundi isang malinaw na patunay ng kanilang walang humpay na dedikasyon sa pagpapatupad ng batas at pagpapanatili ng kaayusan sa komunidad.
Panulat ni Pat Shairra Rose A Aquino