Arestado ang isang Top 4 Most Wanted Person sa Regional Level sa kasong Frustrated Murder sa isinagawang joint police operation ng Lantapan Municipal Police Station, Bukidnon Provincial Intelligence Unit katuwang ang at 1004th Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion at Regional Intelligence Unit 10 nito lamang ika-3 ng Mayo 2025.
Kinilala ni Police Captain Sheila Joy P Jangad, Officer-In-Charge ng Lantapan MPS, ang naarestong suspek na si alyas “Ar-ar”, 68 anyos, lalaki, may asawa at residente ng Purok 2A, Barangay Songco, Lantapan, Bukidnon.
Nahaharap sa kasong Frustrated Murder na may rekomendandong piyansa na Php100,000 ang suspek.
Patunay lamang na ang Pambansang Pulisya katuwang ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno ay patuloy sa pagpapatupad ng sinumpaang tungkulin kontra kriminalidad na naaayon sa agenda ng gobyerno na itaguyod ang kaayusan at kaligtasan ng publiko, kapayapaan at seguridad at magkaroon ng maunlad na isang Bagong Pilipinas.