Sultan Kudarat – Arestado ang tinaguriang Top 1 Regional at Top 4 Provincial Most Wanted Person sa ikinasang Manhunt Charlie Operation ng mga awtoridad sa Brgy. Limuhay, Senator Ninoy Aquino, Sultan Kudarat nito lamang Pebrero 23, 2022.
Kinilala ni Police Brigadier General Jimili Macaraeg, Regional Director ng Police Regional Office 12, ang suspek na si alyas “Felix”, 63, magsasaka at residente ng nasabing barangay.
Ayon pa kay PBGen Macaraeg, naaresto si “Felix” sa pagsisikap ng mga operatiba ng Senator Ninoy Aquino Municipal Police Station, Criminal Investigation and Detection Group 12, 1202nd Regional Mobile Force Battalion 12 sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Murder na walang rekomendadong piyansa.
Samantala, sinisiguro naman ni PBGen Macaraeg na mas papaigtingin pa ang paghuli sa mga pugante upang mapanagot at mabigyan ng hustisya ang mga pamilya ng kanilang mga nabiktima.
Panulat ni Patrolman Khnerwin Jay Medelin/RPCADU12