Palawan – Timbog ang isang Most Wanted Person na may kasong Statutory Rape sa isinagawang operasyon ng mga tauhan ng Taytay Municipal Police Station sa Brgy. Poblacion, Taytay, Palawan noong ika-8 ng Marso 2023.
Kinilala ni Police Major Bronson Caramto, Acting Chief of Police ng Taytay MPS, ang suspek na si alyas “Jose”, residente ng Taytay, Palawan, at nakatala na Top 4 Provincial Most Wanted Person.
Ayon kay PMaj Caramto, naaresto ang suspek sa isinagawang operasyon ng pinagsanib na puwersa ng mga tauhan ng Taytay MPS, Provincial Intelligence Unit-Palawan PPO, 2nd Provincial Mobile Force Company, 401st B MC, RMFB, PALCIT-RID PRO MIMAROPA at PNP Maritime Group 2nd Special Operation Unit sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Statutory Rape na walang inirekomendang piyansa.
Ang Pambansang Pulisya ay hindi titigil sa kampanya laban sa pagsugpo sa kriminalidad, droga at terorismo para sa kaligtasan ng mamamayan at ng bansa.
Panulat ni Patrolman Erwin Calaus