Cebu City – Napasakamay na ng mga awtoridad ang Top 4 Provincial Most Wanted Person sa kasong Frustrated Murder sa inilunsad na operasyon ng Cebu City PNP noong Miyerkules, Enero 25, 2023.
Ayon kay Police Colonel Ireneo Dalogdog, City Director ng Cebu City Police Office (CCPO), nadakip ang suspek na si alyas ‘Archie’, 20, bandang alas-2 ng hapon sa kanilang lugar sa Brgy. Mabolo, Cebu City sa joint operation ng mga miyembro ng Cebu City Mobile Force Company (CMFC), Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Mandaue City Field Unit (CFU), Regional Intelligence Unit 7, at Balamban Municipal Police Station.
Naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa krimeng Frustrated Murder na may rekomendadong piyansa na Php200,000.