Arestado ng pulisya ang nakatalagang Top 4 Provincial Most Wanted Person na may kasong Frustrated Murder sa Barangay Bonifacio, Catubig, Northern Samar nito lamang Marso 18, 2025.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Edwin M Oloan Jr., Force Commander ng 2nd Northern Samar Provincial Mobile Force Company, ang suspek na si alyas “Amie”, 36 anyos, magsasaka at residente ng Barangay Bonifacio, Catubig, Northern Samar.
Bandang 12:54 ng hapon nang maaresto ang suspek ng mga tauhan ng 2nd Northern Samar Provincial Mobile Force Company, kasama ang Northern Samar Provincial Intelligence Unit, Catubig Municipal Police Station at 19th Infantry Battalion, Philippine Army sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Frustrated Murder na may inirekomendang piyansa na Php200,000 para sa pansamantalang kalayaan.
Patuloy naman ang Northern Samar PNP at iba pang ahensya ng gobyerno na mas lalong paigtingin ang sinumpaang tungkulin kontra kriminalidad upang makamit ang maayos at maunlad na Bagong Pilipinas.
Panulat ni Patrolwoman Ma. Elena B Singian