Laguna – Naaresto ang Top 4 Provincial Most Wanted Person sa ikinasang operasyon ng Sta Cruz PNP sa Green Village Subdivision, Brgy. San Pablo Norte, Sta Cruz, Laguna nito lamang bandang 8:55 ng umaga ng Linggo, Abril 16, 2023.
Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn Silvio, Acting Provincial Director, Laguna Police Provincial Office, ang suspek na si alyas “Totoy”, 52, residente ng naturang barangay.
Naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong paglabag sa Republic Act 10883 o “An Act Providing for a New Anti-Carnapping Law of The Philippines” na may nirekomendang piyansa na Php100,000.
“Ang Laguna PNP ay patuloy sa layunin na palakasin at palawakin ang mga operasyon laban sa mga nagtatago sa batas at inaasahan namin ang patuloy na pagtulong ng ating mga mamamayan upang madakip at tuluyang papanagutin ang mga akusadong ito para sa tiyak na tahimik at maayos na pamayanan ng Laguna”, ani PCol Silvio
Panulat ni PEMS Joe Peter Cabugon/RPCADU4A