Arestado ang Top 4 Provincial Most Wanted Person sa bisa ng Warrant of Arrest sa Sitio Lower, Barangay Pinantao, Parang, Maguindanao del Norte nito lamang ika-18 ng Pebrero 2025.
Kinilala ni Police Colonel Eleuterion M Ricardo, Jr, Provincial Director ng Maguindanao del Norte Police Provincial Office, ang suspek na si alyas “Oka”.
Dinakip ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Attempted Murder, na may inirekomendang piyansa na nagkakahalaga ng Php320,000.
Pinapurihan ni PCol Ricardo ang dedikasyon ng mga operatiba sa patuloy na pagtugis sa mga kriminal sa lalawigan. Muli rin nitong hinikayat ang publiko na makipagtulungan sa PNP sa pamamagitan ng pagbibigay ng mahalagang impormasyon upang mas mapabilis ang paghuli sa mga indibidwal na may kinakaharap na kaso at patuloy na lumalabag sa batas.
Panulat ni Patrolwoman Ma. Señora Agbuya