Davao City — Arestado ang isang Most Wanted Person sa kasong carnapping ng mga tauhan ng Sta. Ana Police Station sa Candelaria St., Ecoland Davao City, Hunyo 28, 2022.
Kinilala ni PMaj Jake Goles, Station Commander ng Sta. Ana PS, ang suspek na si Cyron Valenzuela, 37, at residente ng Purok 1, Brgy. Mahongkog, Magpet, North Cotabato.
Ayon kay PMaj Goles, naaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest sa kasong Republic Act 10883 o New Anti-Carnapping Act of 2016 na inihain ng pinagsamang tauhan ng Sta.Ana PS at Regional Highway Patrol Unit 11 sa pamumuno ni PCol Reynante Reyes, Regional Commander RHPU11.
Sinampahan na ng kaukulang kaso si Valenzuela.
Samantala, pinuri naman ni Police Brigadier General Benjamin Silo Jr., PRO11 Regional Director ang pagkakaaresto sa most wanted person na ito at sa patuloy na isinasagawang manhunt charlie ng Police Regional Office 11.
###
Panulat ni Patrolman Alfred Vergara