Timbog ang Top 4 Most Wanted Person sa City Level sa kasong Statutory Rape (4 counts) sa isinagawang Manhunt Charlie ng mga tauhan ng Iligan City Police Station 5 sa Purok 1A, Brgy. Lapinig, Kapatagan, Lanao del Norte nito lamang ika-17 ng Enero 2024.
Kinilala ni Police Major Felix Rabago, Jr., Station Commander ng Iligan City Police Station 5, ang Top 4 MWP sa City Level na si alyas “Manny”, 33 at residente ng Purok 1A, Brgy. Lapinig, Kapatagan, Lanao del Norte.
Dakong 12:04 ng hapon nang ikasa ang joint operation ng mga tauhan ng Iligan City Police Station 5 kasama ang mga Intel Operatives, Women and Children Protection, at Kapatagan Municipal Police Station na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Statutory Rape (4 counts) na walang rekomendadong piyansa.
Patuloy ang Iligan City PNP sa pagsasagawa ng mga operasyon para hulihin ang mga Wanted Persons na may pananagutan sa batas upang mapanatili ang ligtas at payapa ang kanilang nasasakupang komunidad.