Bolinao, Pangasinan – Arestado ng Bolinao Police Station ang Top 4 Most Wanted Person ng Municipal Level sa kasong 3 Counts of Lascivious Conduct under RA 7610 nito lamang Biyernes, Hunyo 3, 2022.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Resty Santos, Officer-in-Charge ng Bolinao PS ang suspek na si Dante Castrence y Conde, 67, residente ng Brgy. Estanza, Bolinao, Pangasinan.
Ayon kay Police Lieutenant Santos, naaresto si Santos sa nabanggit na lugar ng mga tauhan ng Bolinao PS sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong 3 Counts of Lascivious Conduct under RA 7610.
Nagpasalamat naman si PLtCol Santos sa pakikipagtulungan at pakikiisa ng mamamayan at naging matagumpay ang operasyon ng Bolinao PNP para mapaigting ang kampanya ng kriminalidad laban sa mga taong may mga pananagutan sa batas.
Source: Bolinao Municipal Police Station
###
Panulat ni PSSg Carmela G Danguecan