Baguio City – Arestado ng Ifugao PNP ang isang Top 4 Municipal Most Wanted Person sa kasong Rape sa Lower San Carlos Heights, Baguio City nito lamang Setyembre 5, 2023.
Ayon kay Police Major Richard Ananayo, Acting Chief of Police ng Lamut Municipal Police Station, ang suspek ay naaresto sa pinagsamang puwersa ng Lamut Municipal Police Station, Provincial Intelligence Unit Ifugao Police Provincial Office, 1501st Manuever Company, Regional Mobile Force Battalion 15 at PIT Ifugao Regional Intelligence Unit 14.
Naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Rape na walang inirekomendang piyansa.
Patuloy ang Ifugao PNP sa pagsupil sa mga taong may pananagutan sa batas upang makamit ang hustisya para sa kanilang mga biktima at mapanatili ang kaayusan at katahimikan sa kanilang nasasakupan.
Panulat ni Patrolman Raffin Jude Suaya