Arestado ang isang Top 4 Most Wanted Person sa Municipal Level sa kasong Attempted Murder sa isinagawang law operation ng pulisya sa Barangay Pasonanca, Zamboanga City nito lamang ika-9 ng Enero 2025.
Kinilala ni Police Lieutenant Yusuf M Lim, Deputy Chief ng Siocon Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Win”, 55 anyos, lalaki at residente ng Kilometer 7, Barangay Pasonanca, Zamboanga City.
Ang suspek ay nahaharap sa kasong Attempted Murder na may inirekomendang piyansa na nagkakahalaga ng Php120,000.
Patunay lamang na ang Pambansang Pulisya katuwang ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno ay patuloy sa pagpapatupad ng sinumpaang tungkulin kontra kriminalidad na naaayon sa agenda ng gobyerno na itaguyod ang kaayusan at kaligtasan ng publiko, kapayapaan at seguridad na magkaroon ng maunlad na isang Bagong Pilipinas.
Panulat ni Pat Joyce Franco