Naaresto ng mga kapulisan ng 2nd Zamboanga City Mobile Force Company katuwang ang ZCPS7 Sta. Maria, 904th RMFB9, at ZC MARPSTA ang Top 4 Municipal Most Wanted Persons sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 bandang 6:37 ng gabi sa Barangay Sta. Maria, Zamboanga City noong Marso 24, 2025.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Ryan Jay R Capurcos, Force Commander ng 2nd Zamboanga City PMFC, na si alyas “Joel”, 42 taong gulang, lalaki, single, at residente ng Purok 3, Saint Michael Upa, Cabatangan, Zamboanga City.
Ang suspek ay dinakip sa bisa ng isang Warrant of Arrest (WOA) dahil sa paglabag sa “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” – Possession of Dangerous Drugs (Section 2, Article II ng RA 9165) na may rekomendadong piyansa na Php200,000.
Panulat ni Pat Joyce Franco