Baungon, Bukidnon – Arestado ang 32-anyos na lalaki sa kasong Rape ng mga tauhan ng Baungon Municipal Police Station at Bukidnon Provincial Intelligence Unit Tracker Team nitong Sabado, Oktubre 8, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Reynante Reyes, Provincial Director ng Bukidnon Police Provincial Office, ang suspek na si Raymond Dela Cerna Combong, 32, residente ng Purok 3, Brgy. Pualas, Baungon, Bukidnon.
Ayon kay PCol Reyes, bandang 11:30 ng umaga nang naaresto ang suspek sa joint operation ng Baungon MPS at Provincial Intelligence Unit Tracker Team ng Bukidnon sa Purok 3, Brgy. Pualas, Baungon, Bukidnon sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Rape na walang kaukulang piyansa.
Patuloy ang Bukidnon PNP sa paghuli sa mga taong may pananagutan sa batas tungo sa isang ligtas, tahimik at maunlad na probinsya ng Bukidnon.
Panulat ni Patrolman Edwin Baris/RPCADU 10