Lobo, Batangas – Naaresto ng mga pulisya ang Top 4 Most Wanted Person ng Oriental Mindoro sa kasong Rape noong Biyernes, Marso 25, 2022.
Kinilala ni Police Brigadier General Sidney Sultan Hernia, Regional Director ng Police Regional Office MIMAROPA, ang suspek na si Luis Escala Mendoza, alias “Paniki,” 73, tubong Barangay Leuteboro I, Socorro, Oriental Mindoro, nakalista bilang Calabarzon’s Top 4 Most Wanted Person.
Ayon kay PBGen Hernia, naaresto ang suspek sa Brgy. Apar, Lobo, Batangas sa pinagsanib na puwersa ng Lobo Municipal Police Station at Socorro Police Station.
Ayon pa kay PBGen Hernia, naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Rape kaugnay sa R.A. 7610 na may Criminal Case #14-9118, 14-9119 at 14-9120 na walang inirekomendang piyansa.
Pinuri ni PBGen ang mga tauhan ng mga nasabing istasyon sa matagumpay na pag-aresto sa suspek at hinimok ang mga ito na lalo pang paiigtingin ang kampanya laban sa mga kriminalidad para mabigyan ng hustisya ang mga biktima.
Source: Police Regional Office Mimaropa
###
Panulat ni Police Staff Sergeant Donabel T Dulin
Ayos nahuli n yan wanted n yan salamat PNP