Puerto Princesa City – Arestado ang Top 4 Most Wanted Person sa kasong Statutory Rape at Child Abuse ng Puerto Princesa City PNP noong Abril 11, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Roberto Bucad, Acting City Director ng Puerto Princesa City Police Office ang suspek na si Jonathan Dao Alforte, alyas “Jing”, residente ng Purok Masagana, Irawan, Puerto Princesa City.
Ayon kay PCol Bucad, bandang 2:51 ng hapon naaresto ang suspek sa nasabing barangay ng Puerto Princesa City Police Station.
Ayon pa kay PCol Bucad, naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Statutory Rape at Child abuse na walang inirekomendang piyansa.
Ang Pambansang Pulisya ay hindi titigil sa kampanya laban sa pagsugpo sa kriminalidad, droga at terorismo para sa kaligtasan at kapayapaan ng mamamayan at ng bansa.
Source: Palawan News
###
Panulat ni Patrolman Joebet Balana