Arestado ang isang Top 4 Most Wanted Person ng mga tauhan ng Roxas City Police Station kasama ang Dumarao MPS sa Purok 3, Barangay Aglalana, Dumarao, Capiz noong ika-23 ng Abril 2024.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Francisco D Paguia, hepe ng City Police Station, ang naarestong suspek na si alyas “Baka”, 21, Top 4 Most Wanted Person sa Provincial Level at residente ng Roxas City, Capiz.
Ayon kay PLtCol Paguia, naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Statutory Rape na walang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Sa ngayon, ang suspek ay nasa pangangalaga ng Roxas City PS para sa tamang dokumentasyon bago iturn-over sa korte kung saan nakabinbin ang kaso.
Patuloy ang mga kapulisan ng Capiz sa kanilang dedikasyon sa pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan ng kanilang komunidad laban sa kriminalidad.
Source: Roxas City Police Station
Panulat ni Pat Charmaine Balunsat