Tacloban City – Matagumpay na naaresto ang Top 4 Most Wanted Person sa kasong Rape ng mga awtoridad sa Brgy. 96, Calanipawan, Tacloban City, nito lamang Agosto 4, 2023.
Kinilala ni Police Captain Concas Castello, Station Commander, ang naaresto na si Philip, 31 anyos at residente ng Brgy. 96, Tigawon, Calanipawan, Tacloban City.
Naaresto ang akusado ng mga tauhan ng Tacloban City Police Station 1 sa pangunguna ni Police Chief Master Sergeant Joseph L Alido kasama ang Regional Mobile Force Battalion 8 sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Rape na walang inirekomendang piyansa.
Patuloy naman ang pagpupursigi ng Pambansang Pulisya na mapanagot ang mga may pananagutan sa batas upang mabigyang hustisya ang mga naging biktima at mapanatiling ligtas at tahimik ang komunidad.