Antipolo City, Rizal – Arestado ang Top 4 Most Wanted Person (Provincial Level) sa kasong paglabag sa RA 9165 sa ginawang manhunt operation ng Rizal PNP nito lamang Martes, May 3, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Dominic Baccay, Provincial Director ng Rizal Police Provincial Office, ang suspek na si Gilbert Banate Castillo, residente ng Brgy. San Jose, Antipolo City, Rizal.
Ayon kay PCol Baccay, bandang 1:24 ng hapon naaresto si Castillo sa nasabing barangay ng operatiba ng Rizal Provincial Intelligence Unit sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na may rekomendadong piyansa na Php120,000.
Ang pinaigting na operasyon ng PNP laban sa mga taong may pananagutan sa batas ay bunga ng suporta ng mamamayan upang mapanatiling ligtas at maayos ang komunidad.
Source: Rizal PPO PIO
###
Panulat ni Police Executive Master Sergeant Elvis Arellano