Cainta Rizal – Arestado ang Top 4 Most Wanted Person (Provincial Level) sa kasong paglabag sa RA 7610 sa isinagawang manhunt operation ng Rizal PNP nito lamang Huwebes, May 19, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Dominic Baccay, Provincial Director ng Rizal Police Provincial Office, ang suspek na si Joseph Ranot Quejada, 34 at residente ng No. 14 Saint Paul St. Rodfer II Subd. Brgy. San Andres, Cainta, Rizal.
Ayon kay PCol Baccay, bandang 2:30 ng hapon naaresto si Quejada sa nasabing barangay ng mga operatiba ng Cainta Municipal Police Station sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong paglabag sa RA 7610 o Special Protection of Children against Abuse, Exploitation and Discrimination Act (7 counts).
Ang pinaigting na operasyon ng Rizal PNP laban sa mga taong may pananagutan sa batas ay bunga ng suporta ng mamamayan upang mapanatiling ligtas at maayos ang komunidad.
Source: Rizal Police Provincial Office-PIO
###
Panulat ni PEMS Elvis Arellano/RPCADU 4A