Tantangan, South Cotabato – Matagumpay na naaresto ang Top 4 Most Wanted Person (Municipal Level) para sa kasong Murder sa isinagawang operasyon ng PNP sa Tantangan, South Cotabato nito lamang Abril 23, 2022.
Kinilala ni PMaj Randy Apostol, Officer-In-Charge ng Tantangan Municipal Police Station ang suspek na si Christopher Diasino y Lamigo, 45, walang asawa, magsasaka, at residente ng Purok Paglaum, Brgy. New Iloilo, Tantangan, South Cotabato.
Naaresto ang suspek sa Purok San Francisco, Brgy. Libas, Tantangan, South Cotabato ng pinagsanib puwersa ng Tantangan MPS katuwang ang Tracker team ng Regional Intelligence Division 12.
###
Panulat ni Patrolman Gio Batungbacal