Lingayen, Pangasinan (February 22, 2022) – Naaresto ang Top 4 Most Wanted Person (Provincial Level) ng Pangasinan sa ikinasang Manhunt Charlie Operation sa Barangay Namolan West, Lingayen, Pangasinan dakong 3:30 ng hapon ng Pebrero 22, 2022.
Ang operasyon ay pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Benjamin Zarate Jr. ng Provincial Intelligence Unit (PIU) Pangasinan Police Provincial Office (PPO) at pinagsanib pwersa ng Regional Intelligence Division 1 (RID), Aguilar Police Station (PS) at Lingayen Police Station (PS).
Kinilala ang suspek na si Benjamin “Adiong” Fernandez y Dela Cruz, 42 taong gulang, may kinakasama, pintor at residente ng nasabing barangay.
Naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Murder na inilabas ni Hon. Walter Junia, Presiding Judge ng Regional Trial Court Branch 39, Lingayen, Pangasinan noong Pebrero 18, 2022 na may Criminal Case Number L-13863 at walang rekomendadong piyansa.
Ang suspek ay isang target listed na miyembro ng Criminal Gang sa ilalim ng Gading Group.
Ang suspek ay nasa kustodiya na ng Lingayen Police Station para sa dokumentasyon at mas masusing imbestigasyon.
Source: Lingayen Police Station
###
Panulat ni PSSg Vanessa A Natividad, RPCADU1