Northern Samar – Naaresto ang Top 4 Most Wanted Person Provincial Level ng Northern Samar sa manhunt operation ng pulisya nito lamang Lunes, Marso 21, 2022 sa kasong rape.
Kinilala ni Police Major Wilfredo Jimenez Jr, Acting Chief of Police ng Catarman Municipal Police Station, ang suspek na si Jolly Bandal Dio alyas “Jojo”, 28, single, vendor at residente ng Zone 1, Brgy. San Lazaro, Victoria, Northern Samar.
Ayon kay PMaj Jimenez Jr, naaresto ang suspek bandang 1:30 ng umaga sa Brgy. San Lazaro, Victoria, Northern Samar ng pinagsanib na puwersa ng mga operatiba ng Catarman Municipal Police Station, 1st Northern Samar Provincial Mobile Force Company, Victoria Municipal Police Station, at Northern Samar CIDG.
Ayon pa kay PMaj Jimenez Jr, naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong paglabag sa RA 8353 o Rape (RPC Art. 266-A) na inilabas ni Hon. Armando Legua Rosadiño, Presiding Judge, RTC, 8th Judicial Region, Branch 19, Catarman, Northern Samar na may petsang March 9, 2022 at walang inirekomendang piyansa.
Patuloy ang kapulisan ng Northern Samar sa paghahanap sa mga may sala sa batas at mabigyan ng katarungan ang mga nabiktima nito.
###
Panulat ni Patrolwoman Rialyn Valdez