Sison, Pangasinan (February 12, 2022) – Arestado ang Top 4 Most Wanted Person ng Marikina City Police Station sa ikinasang Manhunt Charlie operation ng mga kapulisan ng Pangasinan sa Barangay Alibeng, Sison, Pangasinan dakong alas 9:03 ng gabi ng ika-12 ng Pebrero taong kasalukuyan.
Ang operasyon ay isinagawa sa pinagsanib puwersa ng Sison Police Station (PS) na pinangunahan ni Police Lieutenant Ronald Gabain, Deputy Chief of Police, sa direktang pangangasiwa ni Police Major Maria Theresa R. Meimban, Marikina City Police Station, Regional Intelligence Division (RID) at Camdas Police Station 2 ng Baguio City.
Kinilala ang suspek na si Leo Bassi y Pascual, 51 taong gulang, may asawa, manggagawa at kasalukuyang nakatira sa Barangay Alibeng, Sison, Pangasinan.
Naaresto ang nasabing suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Murder at two (2) counts ng Frustrated Murder na inilabas ni Hon. Alice C Gutierrez, Presiding Judge ng Regional Trial Court Branch 263, Marikina City, Metro Manila noong Abril 21, 2009 na may Criminal Case Number 07-9354-MK, 2007-9353 at 2007-9355 at may rekomendadong piyansa na Php200,000 bawat isa.
Ang suspek ay nasa kustodiya na ng Sison Police Station para sa tamang dokumentasyon at disposisyon.
Ang Pambansang Pulisya ay magpapatuloy na tugisin ang mga taong may pananagutan at nagtatago sa batas at sisiguraduhin na mabigyan ng hustisya ang mga nagiging biktima ng krimen.
Source: Sison Police Station
###
Panulat ni PSSg Carmela G Danguecan / RPCADU 1