Davao Oriental – Arestado ang isang lalaki sa patuloy na isinasagawang Manhunt Charlie operation ng tauhan ng Cateel PNP noong Agosto 15, 2022.
Kinilala ni PMaj Randy Galicia, Chief of Police ng Cateel Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Danny”, 44, residente ng Purok Proper Brgy. Alegria, Cateel, Davao Oriental na tinaguriang Top 4 MWP sa Provincial Level.
Ayon kay PMaj Galicia, naaresto ang suspek sa nabanggit na lugar ng pinagsamang tauhan ng Cateel MPS katuwang ang 1st Davao Oriental Provincial Mobile Force Company at Provincial Intelligence Unit-Davao Oriental Police Provincial Office.
Dagdag pa ni PMaj Galicia, naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest na inihain sa kanya sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, RA 8353 o Anti-Rape Law of 1997 at Act of Lasciviousness.
Ang pagkakadakip sa suspek ay resulta ng patuloy na pagsisikap ng Police Regional Office 11 na hulihin ang lahat ng wanted person sa rehiyong onse sa pamumuno ni PBGen Benjamin Silo Jr., PRO11 Regional Director.
###
Panulat ni Patrolman Alfred Vergara