Davao City – Arestado ang isang indibidwal sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Mudiang, Davao City nito lamang Setyembre 21, 2023.
Kinilala ni Police Major Robel Saavedra, Station Commander ng Bunawan Police Station, ang suspek na si alyas “Vince”, 22, residente ng San Isidro Divine Mercy, Davao City na tinaguriang Top 4 High Value Individual sa City Level.
Naaresto ang suspek ng pinagsamang tauhan ng Bunawan Police Station at sa pakikipagtulungan ng PDEA XI.
Nakuha mula sa suspek ang ilang pakete ng hinihinalang shabu na may bigat na humigit kumulang na 5.42 gramo na may street market value na Php36,000 at marked money.
Kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isinampa sa nasabing suspek.
Ang pagkakadakip sa suspek ay resulta ng magandang ugnayan ng mamamayan at Police Regional Office 11 na nagtutulungan upang mapanatili ang kapayapaan sa Rehiyon Onse.
Panulat ni Patrolman Alfred Vergara