Timbog ang tinaguriang Top 4 Davao City High Value Drug Personality sa isinagawang buy-bust operation ng Regional Police Drug Enforcement Unit (RPDEU) 11, katuwang ang San Pedro Police Station noong ika-27 ng Nobyembre 2024, sa Domsat, San Rafael, Barangay 9-A, Davao City.
Ayon kay Police Major Maynard D. Pascual, Chief ng RPDEU 11, ang suspek ay nakilalang si alyas “Sugong,” 40 anyos, at residente ng Purok Casilak, Barangay 76-A sa Davao City.
Narekober mula sa suspek ang tinatayang 25.14 gramo ng hinihinalang shabu na may halagang Php170,952, isang revolver, at tatlong bala.
Ang suspek ay nahaharap kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” at RA 10591 o ang “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act”.
Ang Police Regional Office 11 ay patuloy na naglalayong hindi lamang pababain ang krimen at panatilihin ang kaayusan, kundi paigtingin din ang kooperasyon sa pagitan ng mga mamamayan at kapulisan upang masiguro ang seguridad at kaayusan sa buong rehiyon.
Panulat ni Pat Shairra Rose A Aquino