Arestado ng mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section ng Makati City Police Starion ang Top 3 Station Most Wanted Person nito lamang Martes, Nobyembre 12, 2024.
Ayon Kay Police Colonel Joseph G Talento, Chief of Police ng Makati City Police Station, nadakip ang suspek na si alyas “John”, 25, sa paglabag sa Republic Act 10883 o “New Anti Carnaping Act of 2016 na may piyansang nagkakahalaga ng Php300,000.
“Ang pag-aresto na ito ay isang patunay ng pagsusumikap, dedikasyon, at propesyonalismo ng ating mga tauhan ng pulisya. Sa pamamagitan ng maingat na pangangalap ng katalinuhan, epektibong koordinasyon, at pangako sa ating misyon, naaresto natin itong wanted na kriminal”, ani Police Brigadier General Bernard R Yang, District Director ng Southern Police District.
Source: SPD PIO