Arestado ang Top 6 Most Wanted Person sa Regional Level sa isinagawang Manhunt Charlie Operation ng mga operatiba nito lamang Nobyembre 14, 2023.
Kinilala ni Police Major Sonny Amponin, Chief of Police ng Ipil Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Ed”, 35, walang asawa at residente ng Brgy. Veterans Village, Ipil, Zamboanga Sibugay.
Bandang 6:00 ng gabi nang maaresto ang suspek sa Ipil, Zamboanga Sibugay sa pinagsanib na puwersa ng Ipil Municipal Police Station, at Regional Intelligence Unit 9 sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Rape na may inirekomendang piyansa na Php200,000.
Ang Pambansang Pulisya ay patuloy sa mandato na ipatupad ang batas at siguraduhin ang kaligtasan ng mamamayan.
Panulat ni Patrolman John Ronald Tumonong