La Union – Arestado ang Top 3 Regional Most Wanted Person sa kasong Qualified Rape ng Pugo PNP sa Brgy. Poblacion, T’Boli, South Cotabato nito lamang ika-23 ng Setyembre 2023.
Kinilala ni Police Captain Mayla Perla Gavina, Hepe ng Pugo MPS, ang suspek na si Herminio Llobrera Villanueva, 59, residente ng Brgy. San Luis, Pugo, La Union.
Ayon kay PCpt Gavina, bandang 3:41 ng hapon nang maaresto ang suspek sa Brgy. Poblacion, T’Boli, South Cotabato ng mga operatiba ng Pugo Municipal Police Station, katuwang ang T’Boli MPS, Regional Intelligence Division PRO1, La Union Provincial Intelligence Unit, sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong kasong Qualified Rape na walang rekomendadong piyansa.
Patuloy ang PNP sa pinaigting na kampanya laban sa mga taong may pananagutan sa batas sa pakikipagtulungan ng mamamayan para sa isang tahimik at payapang komunidad.