Siquijor – Arestado ng kapulisan ang tinaguriang Top 3 Provincial Most Wanted Person sa kasong Frustrated Murder kasunod ng isinagawang paghahain ng Warrant of Arrest sa tinitirhan nito sa Barangay Poblacion, Enrique Villanueva, Siquijor noong Abril 25, 2023.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Dexter Calacar, Force Commander ng Cebu City Mobile Force Company (CMFC) ang akusado na si ‘Pedro’, 54 taong gulang.
Ayon kay PLtCol Calacar, alas-7:30 ng gabi nang arestuhin ng pinagsanib na puwersa ng mga tauhan ng Cebu CMFC; Criminal Investigation and Detection Group Siquijor Provincial Field Unit; Siquijor Provincial Intelligence Unit; at Enrique Villanueva Municipal Police Sation ang akusado sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Frustrated Murder na may rekomendadong piyansa na Php200,000.
Ang matagumpay na pagkakaaresto ng akusado ay patunay lamang sa mahusay at pinaigting na pagsasakatuparan ng tungkulin at gampanin ng PNP upang tiyakin ang kaayusan at kapayapaan ng kanilang nasasakupan.