Solsona, Ilocos Norte – Timbog ang Top 3 Provincial Most Wanted Person ng mga operatiba ng Police Regional Office 1 sa kasong Acts of Lasciviousness sa Brgy. Santiago, Solsona, Ilocos Norte nito lamang Sabado, Oktubre 1, 2022.
Kinilala ni Police Captain Belen G. Baoit, Officer-In-Charge ng Solsona Municipal Police Station, ang suspek na si Edwin Pidot y Guillen, 49, may asawa, at residente ng Brgy. Santiago, Solsona, Ilocos Norte.
Ayon kay Police Captain Baoit, naaresto ang suspek bandang 8:50 ng umaga ng mga tauhan ng Salsona PNP sa bisa ng Warrant of Arrest katuwang ang Provincial Intelligence Unit – Ilocos Norte Police Provincial Office, Provincial Intelligence Team – Regional Intelligence Unit 1, Provincial Investigation and Detection Management Unit – INPPO, at Residence Agent – RID PRO 1.
Nahaharap ang suspek sa kasong Acts of Lasciviousness na may rekomendadong piyansa na Php200,000.
Ang operasyon ng PRO 1 ay naging matagumpay dahil na din sa pakikipagtulungan ng mamamayan upang mapaigting ang kampanya kontra kriminalidad para mapanagot ang mga taong may sala sa batas.
Source: Solsona Municipal Police Station
Panulat ni Pat. Viljon Anthony Comilang/RPCADU1