Rosario, La Union – Arestado ng Rosario PNP ang Top 3 Provincial Most Wanted Person sa kasong Qualified Rape sa Brgy. Cadumanian, Rosario, La Union nito lamang Sabado, ika-01 ng Oktubre 2022.
Kinilala ni Police Major Lester C Tannagan, Officer-In-Charge ng Rosario Police Station, ang suspek na si Pablo Alinghawa y Ramos, 36, at residente ng Brgy. Cadumanian, Rosario, La Union.
Ayon kay PMaj Tannagan, bandang 11:00 ng gabi ng naaresto ang suspek ng mga operatiba ng Rosario Police Station katuwang ang La Union Provincial Intelligence Unit, Regional Intelligence Unit-1 at Novaliches Police Station (PS-4).
Ayon pa kay PMaj Tannagan, naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Qualified Rape in relation to RA 7610 at walang rekomendadong piyansa.
Ang tagumpay ng operasyon ay bunga ng magandang ugnayan at samahan ng mga kapulisan at mamamayan para mapanatiling ligtas ang komunidad.
Source: Rosario Police Station
Panulat ni Patrolman Joshua Jimenez