Arestado ang isang Top 3 Most Wanted Person (Provincial Level) sa kasong Rape sa isinagawang operasyon ng 2nd Zamboanga City Mobile Force Company katuwang ang RA-ZC RID at Ipil Municipal Police Station sa Purok Jerusalem, Barangay Don Andres, Ipil, Zamboanga Sibugay nito lamang ika-16 ng Hunyo 2024.
Kinilala ni Police Colonel Eduard P Mallo, Provincial Director ng Zamboanga Sibugay Police Provincial Office, ang suspek na si alyas “Nano”, 21 anyos, lalaki, at residente ng Barangay Palid, Magdaup, Ipil, Zamboanga Sibugay.
Naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Rape na may rekomendang piyansa na Php120,000.
Patunay lamang na ang Pambansang Pulisya ng Pilipinas katuwang ang ibang ahensya ng pamahalaan ay hindi nagpapabaya sa kanilang sinumpaang tungkulin na hulihin ang mga taong tiwalag sa batas, para mapanatiling ligtas ang komunidad, at ipatupad ang kapayapaan ng bansa para sa umuunlad na Bagong Pilipinas.
Panulat ni Patrolwoman Louise Marie V Conde