Himas rehas ang tinaguriang Top 3 Provincial Most Wanted Person na may kasong Statutory Rape matapos mapasakamay ng mga awtoridad sa Barangay Viga, Maripipi, Biliran nito lamang Nobyembre 07, 2024.
Kinilala ni Police Lieutenant John Calvin V Paa, Officer-In-Charge ng Maripipi Municipal Police, ang suspek na si alyas “James”, 49 anyos, magsasaka at residente ng Barangay Viga, Maripipi, Biliran.
Bandang 8:45 ng gabi nang maaresto ang suspek ng mga tauhan ng Maripipi Municipal Police Station kasama ang Provincial Intelligence Team Biliran at Biliran Police Provincial Office- Provincial Intelligence Unit sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Statutory Rape na walang piyansa.
Patunay lamang na ang Pambansang Pulisya ay hindi nagpapabaya sa kanilang sinumpaang tungkulin na hulihin ang mga taong tiwalag sa batas para mapanatiling ligtas ang komunidad ng sa gayon maipatupad ang kapayapaan ng bansa para sa ligtas at maunlad na Bagong Pilipinas.
Panulat ni Patrolwoman Ma. Elena B Singian