Arestado ang isang Top 3 Most Wanted Person sa Municipal Level sa kasong Rape sa isinagawang joint law enforcement operation ng mga otoridad sa Barangay Talungatung, Zamboanga City nito lamang ika-12 ng Nobyembre 2024.
Kinilala ni Police Major Joemar B Calud, Station Commander ng Zamboanga City Police Station 9, ang naarestong suspek na si alyas “Jarne”, 38 anyos, lalaki at residente ng Zone 5 Barangay Talungatung, Zamboanga City.
Ang suspek ay nahaharap sa kasong Rape na walang inirekomendang piyansa.
Patunay lamang na ang Pambansang Pulisya katuwang ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno ay patuloy sa pagpapatupad ng sinumpaang tungkulin kontra kriminalidad na naaayon sa agenda ng gobyerno na itaguyod ang kaayusan at kaligtasan ng publiko, kapayapaan at seguridad na magkaroon ng maunlad sa Bagong Pilipinas.
Panulat ni Pat Joyce Franco