Arestado ang isang Top 3 Most Wanted Person sa Municipal Level sa Homicide sa isinagawang joint law enforcement operation ng Zamboanga City PNP katuwang ang PNP Criminal Investigation and Detection Group Zamboanga City Field Unit sa KRK Drive Barangay Kasanyangan, Zamboanga City nito lamang ika-18 ng Disyembre 2024.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Hartzel Peter R Billedo, Chief ng Zamboanga City Intelligence Unit, ang naarestong suspek na si alyas “Enan”, 32 anyos, lalaki, at residente ng Hongkong, Barangay Rio Hondo, Zamboanga City.
Ang suspek ay nahaharap sa kasong Homicide na may inirekomendang piyansa na nagkakahalaga ng Php120,000.
Patunay lamang na ang Pambansang Pulisya katuwang ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno ay patuloy sa pagpapatupad ng kanilang sinumpaang tungkulin kontra kriminalidad na naaayon sa agenda ng gobyerno na itaguyod ang kaayusan at kaligtasan ng publiko, kapayapaan at seguridad na magkaroon ng maunlad na isang Bagong Pilipinas.
Panulat ni Pat Joyce Franco