Arestado ng Burgos Municipal Police Station ang Top 3 Municipal Most Wanted Person sa isinagawang Oplan Manhunt Charlie sa Barangay Pogoruac, Burgos, Pangasinan bandang 12:15 ng umaga ng Marso 10, 2025.
Kinilala ang suspek na si alyas “Dencio”, 37 anyos, magsasaka, at residente ng nabanggit na lugar.
Naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Rape na walang inirekomendang piyansa
Patuloy ang panawagan ng PNP sa publiko na makipagtulungan sa paghuli ng mga kriminal upang mapanatili ang kapayapaan at hustisya sa komunidad.
Ang matagumpay na operasyong ito ay patunay na walang puwang ang krimen sa isang Bagong Pilipinas—isang bansa kung saan nangingibabaw ang batas, hustisya, at kapayapaan para sa lahat.
Panulat ni PMSg Robert Basan Abella Jr