Antique – Arestado ng Valderrama PNP ang isang Most Wanted Person sa kasong pagpatay sa Barangay Takas, Valderrama, Antique nito lamang ika-6 ng Nobyembre 2023.
Kinilala ni Police Captain Alfonso Precia, Officer-In-Charge ng Valderrama Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Jun-jun”, itinuturing bilang Top 3 Most Wanted Person sa probinsya ng Antique at Top 5 MWP naman sa bayan ng Valderrama.
Ayon kay PCpt Precia, bandang 11:40 ng umaga ng maaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Murder na inihain sa pangunguna ng mga operatiba ng Valderrama MPS kasama ang PIT- Antique.
Patuloy ang Valderrama PNP na panatilihing ligtas ang mamamayan sa kanilang nasasakupan at sa pagsasagawa ng operasyon laban sa mga taong may pananagutan sa batas.