Bacarra, Ilocos Norte (February 21, 2022) – Arestado ang Top 3 Most Wanted Person (Provincial Level) sa ikinasang Manhunt Charlie operation ng mga kapulisan ng Ilocos Norte sa Barangay Pasiocan, Bacarra, Ilocos Norte dakong alas 4:45 ng hapon ng ika-21 ng Pebrero, taong kasalukuyan.
Pinangunahan ng Bacarra Police Station (PS) ang operasyon sa direktang pangangasiwa ng kanilang Officer-in-Charge na si Police Major Arnel Tabaog kasama ang Provincial Intelligence Unit (PIU), Provincial Investigation and Detective Management Unit (PIDMU) at Criminal Investigation Detective Group (CIDG) Ilocos Norte Police Provincial Office (INPPO).
Kinilala ang suspek na si Novie “Nobie” Gebana Garduque, 39 taong gulang, may asawa, construction worker at kasalukuyang nakatira sa nasabing barangay
Naaresto ang nasabing suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong 3 Counts of Qualified Rape Penalized Under Para. 1 (A) of Art. 266-A in relation to Art. 266-B na inilabas ni Hon. Judge Bohoefer Vergara Bernardez, Regional Trial Court (RTC), Branch 11, Laoag, noong February 4, 2022 na may Criminal Case Numbers 19767, 19768 at 19769 at walang rekomendadong piyansa.
Ang suspek ay nasa kustodiya na ng Bacarra Police Station para sa tamang dokumentasyon at disposisyon.
Source: Bacarra Police Station
###
Panulat ni PSSg Carmela G Danguecan/RPCADU1
Good job sa mga alagad ng batas sana mahuli n lahat mga wanted n yan