Oriental Mindoro – Arestado ng PNP ang Top 3 Most Wanted Person ng Oriental Mindoro sa kasong paglabag sa R.A. 7610 sa Barangay Namunga, Rosario, Batangas noong Sabado, May 14, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Renante Cabico, Oriental Mindoro Police Provincial Office Director ang suspek na si Mark Johnson Fajardo Petilo, 40, nakalista bilang Victoria, Oriental Mindoro’s Number 3 Most Wanted Person.
Ayon kay PCol Cabico, ang suspek ay naaresto sa isang joint law enforcement operation na pinangunahan ng mga operatiba ng Victoria Municipal Police Station kasama ang 1st Provincial Maneuver Force Company ng Oriental Mindoro PPO, at Rosario Municipal Police Station, Batangas PPO.
Ayon pa kay PCol Cabico, naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong 2 Counts ng Lascivious Conduct sa ilalim ng R.A. 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act na walang inirekomendang piyansa.
Samantala, pinuri naman ni Police Brigadier General Sidney Sultan Hernia, Regional Director ng PRO MIMAROPA ang mga operating unit para sa tagumpay ng pagkakahuli sa suspek.
“Panatilihin natin ang momentum na ito sa paglulunsad ng mga manhunt operations bilang bahagi ng ating pinaigting na hakbang laban sa kriminalidad sa rehiyon”, ani PBGen Hernia.
Source: RPIO MIMAROPA
###
Panulat ni Patrolman Jorge Michael C Bardiago