Arestado ang tinaguriang Top 3 City Level Most Wanted Person sa bisa ng Warrant of Arrest na inihain ng mga tauhan ng Calinan Police Station sa Malanos Street, Calinan Poblacion, Davao City nito lamang ika-11 ng Pebrero, 2025.
Ayon naman kay Police Major Robel B Saavedra, Acting Station Commander ng Calinan Police Station, ang suspek ay kinilalang si alyas “Benjie”, 39-taong gulang, isang tricycle drayber at residente ng Calinan, Davao City.
Inaresto ang suspek sa kasong tatlong bilang ng Statutory Rape na walang piyansang inirekomenda, dalawang bilang ng Sexual Assault na may piyansa na Php200,000 at Acts of Lasciviousness na may piyansang Php180,000.
Para sa mas matatag na komunidad, patuloy namang hinihimok ng Police Regional Office 11 ang kooperasyon at aktibong partisipasyon ng bawat isa sa mga programa ng tulad ng pagsunod sa mga batas, pagtulong sa mga operasyon laban sa kriminalidad, at pagiging alerto sa mga usapin ng seguridad.
Panulat ni Pat Shairra Rose A Aquino