Bauang, La Union – Arestado ng mga operatiba ng Police Regional Office 1 ang Top 3 Most Wanted Person (Provincial Level) sa kasong Statutory Rape sa Brgy. Central West, Bauang, La Union nitong Sabado, ika-10 ng Setyembre 2022.
Kinilala ni Police Major Cresencio P. Abila, Jr., Hepe ng Bauang Police Station, ang suspek na si Daven James Amaro y Floresca, 22, residente ng Brgy. Pottot, Bauang, La Union.
Ayon kay PMaj Abila, naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Statutory Rape na walang inirekomendang piyansa.
Ayon pa kay PMaj Abila, naaresto ang suspek bandang 9:00 ng umaga ng mga operatiba ng Bauang Police Station, Provincial Intelligence Unit at 2nd La Union Provincial Mobile Force Company.
Ang pagkakaaresto sa suspek ay tanda ng epektibong pagganap ng mga miyembro ng Philippine National Police ng kanilang mga tungkulin upang mabigyan ang mga mamamayan ng mas ligtas at mas payapang komunidad.
Source: Bauang PS
Panulat ni PSSg Bader Ceasar B Ayco