Arestado ang isang Top 3 High Value Individual (HVI) sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa Barangay Maca-opao, Kalilangan, Bukidnon nito lamang ika-14 ng Pebrero 2025.
Kinilala ni Police Captain Romeo M. Arcilla Jr, Officer-In-Charge ng Kalilangan Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Jaime”, 29 anyos, isang Admin Aid II (Clerk) sa Municipal Engineering Office ng Don Carlos, Bukidnon, at residente ng Purok 13 Sur, Don Carlos, Bukidnon.
Pinangunahan ng Kalilangan Municipal Police Station (MPS) ang naturang operasyon kasama ang mga tauhan mula sa PIU, RMFB-10, 1004th Coy, RSOT RMU10 na nagresulta sa matagumpay na pagkakaaresto ng suspek at pagkakakumpiska ng mga sumusunod na ebidensya: limang piraso ng heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng 56.3 gramo (possession item), isang 0.2 gramo (buy-bust item) ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na 56.5 gramo na may estimated street value na Php384,200, isang Php1,000 bill (buy-bust money), isang Yamaha Mio 125 na motorsiklo at iba pang mga drug paraphernalia.
Ang operasyon ay bahagi ng patuloy na pagsusumikap ng Kalilangan PNP na sugpuin ang ilegal na droga at tiyakin ang kaligtasan ng mga mamamayan sa buong rehiyon.