Davao City – Arestado ang isang wanted person sa patuloy na isinasagawang Manhunt Charlie operation ng mga tauhan ng Paquibato PNP sa Purok 5, Brgy. Fatima, Paquibato Dist., Davao City nito lamang Nobyembre 22, 2023.
Kinilala ni Police Major Jack Tilcag, Station Commander ng Paquibato Police Station, ang suspek na si alyas “Christopher”, residente ng nasabing lugar na tinaguriang Top 3 Most Wanted Person sa City Level.
Inaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong 5 counts ng Acts of Lasciviousness na inihain ng pinagsamang tauhan ng Paquibato PNP AT Davao City 1st Mobile Force Company.
Patuloy ang Police Regional Office 11 sa pamumuno ni Police Brigadier General Alden Delvo, Regional Director na panatilihing maayos, tahimik at maunlad ang nasasakupan.
Panulat ni Patrolman Alfred Vergara